MGA DIONA NG ATING PANAHON

I.

LIBRONG GULANIT

Walang librong gulanit

sa batang sa pag-ibig

at kalinga ay sabik.

II.

PILAK SA PILAT

Maghapong nakabilad?

Ang kamay na may pilat

may gantimpalang pilak.

III.

MAT’YAGANG GAGAMBA

Sa hirap, ‘wag mangamba.

Sa mat’yagang gagamba,

may paing nakaamba.

IV.

BAYAN NG BARUNG-BARONG

Bayan ng barung-barong,

sa hampas ng daluyong

susulong tulong-tulong.

V.

BUTO’T HIMAYMAY

Kung lupaypay ang buhay,

nais munang humimlay

sa ‘yong buto’t himaymay.

VI.

SITSIT NG KULIGLIG

Sa gabing alumpihit,

ang sitsit ng kuliglig

matinis at ligalig.

VII.

LILIM

Kung magtatakipsilim,

sa takot ‘wag manimdim

sa ‘king dibdib lumilim.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s